Kaso ang katapat ng mga alkaldeng malulusutan ng mass gathering sa kanilang teritoryo.
Babala ito ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año na nagsabi ring posibleng managot sa dereliction of duty o hindi pagsunod sa kanilang tungkulin ang mga sablay na opisyal sa pagpapatupad ng health protocol.
Ayon pa kay Año, posibleng administrative o criminal case ang kaharapin ng local chief executives kapag nagpabaya sa pagpapatupad ng health and safety protocols tulad ng mass gatherings, batay na rin sa quarantine classification sa kanilang lugar.
Ang mass gathering ay mahigpit na ipinagbabawal sa mga lugar na nasa enhanced community quarantine (ECQ) at modified ECQ.