Inanunsyo na ng Manila Police District (MPD) ang mga alternatibong ruta bukas Araw ng Kalayaan.
Sa inilabas na advisory ng lokal na pamahalaan ng Maynila sarado mula alas-12 ng madaling araw hanggang alas-10 ng umaga bukas ang Southbound Lane ng Roxas Boulevard mula katigbak parkway hanggang South Drive.
Habang simula 5am hanggang 10 am naman isasara ang Northbound Lane mula Teodoro Manguiat (TM) Kalaw Avenue hanggang Padre Burgos Avenue.
Dahil dito pinapayuhang dumaan ang mga motoristang tutungo sa Rozas Boulevard o diretso sa Bonifacio Drive pakaliwa sa P. Burgos hanggang Finance Road.
Habang ang mga dadaan naman sa mula sa Northbound Lane ng Roxas Boulevard ay maaaring kumanan sa United Nations Avenue.
Samantala ang lahat ng Trailer Truck at mabibigat na sasakyan ay dapat kumanan sa Quirino Avenue.
Bukod pa rito, ang mga magmumula naman sa General Luna sa loob ng Intramuros ay maaaring kumaliwa sa Eastbound Lane ng P. Burgos o Finance Road.
Lahat ng sasakyang bumibiyahe mula sa Jones, Mcarthur, at Quezon bridges ay pinapayuhang bumagtas sa Taft Avenue at ang mga malalaki at mabibigat na sasakyan na mula sa Delpan bridge ay dapat umikot sa Anda Circle patungo sa northbound lane ng Mel Lopez Boulevard hanggang C-3.