Epektibo na sa Setyembre 1 ang travel ban sa North Korea ng mga may hawak ng US passport.
Maliban dito, bago ang naturang petsa ay inaatasan ang lahat ng mga Amerikano na lisanin ang North Korea.
Ayon sa US government, ito ay dahil sa panganib na mabiktima ng long term detention ang mga Amerikano sa Hilagang Korea kaugnay ng tumitinding tensyon sa pagitan ng Amerika at Pyongyang.
Gayunman, maaari namang kumuha ng exception sa naturang ban ang mga mamamahayag at mga humanitarian workers.
Dahil dito, ito ang unang pagkakataon kung saan bawal magtungo sa isang bansa ang mga Amerikano.
By Ralph Obina