Napanatili ng magkakapatid na Sy na anak ng yumaong business tycoon na si Henry Sy ang pangunguna bilang pinakamayayamang tao sa Pilipinas.
Ito’y batay sa richest list ng prestihiyosong Forbes magazine kung saan, nakapagtala sina Teresita, Henry Jr, Elizabeth, Hans at Harley Sy ng pinagsamang net worth na nagkakahalaga ng halos $14-B.
Pinakamataas ang networth sa magkakapatid si Hans na tagapangulo ng National University at China Banking Corporation na nasa dalawa’t kalahating bilyong dolyar.
Ikalawa naman sa pinakamayamang tao sa Pilipinas si dating Senate President Manuel Villar na chairperson ng Vista Mall na may networth na $5-B.
Sinundan naman ito nila Enrique Razon, magkakapatid na Gokongwei, Jaime Zobel De Ayala, Andrew Tan, Lucio Tan, Ramon Ang, Tony Tan Caktiong gayundin sina Lucio at Susan Co.