Ibinunyag ni Ruffa Gutierrez ang pagkikita muli ng kanyang mga anak at ama nilang si Yilmaz Bektas makalipas ang 15 taon.
Tinawag na “a beautiful reunion” ni Ruffa ang pakikipagkita muli ng mga anak na sina Lorin at Venice sa kanilang amang si Yilmaz at pamilya nito sa Istanbul, Turkey na magaganap ngayong weekend.
Ibinahagi ni Ruffa sa kanyang IG ang video ng compilation ng childhood photos ng mga anak kasama rin ang ama at lola nila na kapwa itinag din ni Ruffa.
Tila nagdulot naman ng positive vibes ang balitang ito ni Ruffa na nilagyan nito ng #togetheragain kaya’t napa-comment ang maraming celebrity na natutuwa sa reunion ng mag-a-ama.