Pina – iimbestigahan na ng Pangulong Rodrigo Duterte ang mga anomalya sa Development Academy of the Philippines (DAP).
Kasunod na din ito ng panawagan ng mga empleyado ng DAP na busisiin ang mga junket o pag – biyahe sa abroad ng mga opisyal.
Pati na din ang paglalagay ng mga taong hindi kuwalipikado sa posisyon.
Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na malinaw ang paninindigan ng Pangulo na ‘zero tolerance’ ito lalo na kung isyu ng korapsyon ang pinag – uusapan.
Iginiit pa ni Roque na kahit ang mga malalapit na kaibigan ng Pangulo ay nasibak na sa serbisyo matapos masangkot sa korapsyon.