Nabunyag na hindi batid ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagkakatalaga kay Atty. Randy Escolango bilang OIC Administrator ng Subic Bay Metropolitan Authority o SBMA.
Ito ang inihayag ni SBMA Chairman Martin Diño kasunod ng marching order sa kaniya ng Pangulo na tutukan ang mga nangyayaring anomalya sa ahensya.
Sinabi ni Diño, nagkausap sila ng Pangulo hinggil sa pagkakatalaga kay Escolango na nilagdaan pa umano ni Executive Secretary Salvador Medialdea.
Dahil dito, inaalam na ni Chairman Diño ang balitang nagpakawala umano ng 5 Milyong Piso si Escolango upang maipuwesto sa SBMA.
Maliban dito, dagdag pa ng SBMA Chairman na tinututukan din nila ang sinasabing anomalya sa pagbili ng CCTV ng ahensya na nagkakahalaga ng 50 Milyong Piso.
By: Jaymark Dagala / Bert Mozo