Tinawag na “bobo” ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga kumokontra sa kanyang ideklarang batas militar sa Mindanao.
Ayon sa Pangulo, hindi naiintindihan ng mga nasabing anti-martial law group ang sitwasyon sa rehiyon at panay lang ang pag-iingay sa publiko.
Binigyang diin ng Pangulo, na hindi maaaring sa Marawi City lamang magpatupad ng martial law dahil maaaring tumakbo ang mga tinutugis na mga terorista sa kalapit na lugar tulad ng Lanao del Norte o Basilan.
Aniya, kailangan ito upang maagapan ang spill over o pagkalat ng kaguluhan sa Marawi City sa ibang lugar sa Mindanao.
By Krista De Dios | With Report from Aileen Taliping