Hindi na pinansin ng Malacañang ang mga ikinakasang kilos protesta sa Lunes, Hulyo 27 kasabay ng huling State of the Nation Address o SONA ni Pangulong Noynoy Aquino.
Ayon kay Presidential Communications Secretary Herminio coloma Jr., regular naman aniyang ginagawa ng mga progresibong grupo ang pagsasagawa ng mga pagkilos sa SONA ng kahit sinuong naka-upong Pangulo ng bansa.
Kinikilala ng estado ang kalayaan sa pamamahayag ng bawat Pilipino kaya’t hindi ito hahadlangan ng pamahalaan.
Ang tanging apela ng Palasyo sa mga progresibong grupo na bantayan ang kanilang hanay upang maiwasang malusutan sila ng mga nagnanais magpasimuno ng gulo.
Mahalaga ani Coloma na mapanatili ang kaayusan at katahimikan upang matiyak ang kaligtasan ng publiko.
By Jaymark Dagala | Aileen Taliping (Patrol 23)