Mahigit 3,000 katao na ang apektado ng bagyong Ramon mula sa Region 2 at 5.
Ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), may kabuuang 848 pamilya sa 46 na barangay sa buong Region 2 at 5 ang apektado.
Mula dito sa naturang bilang, mahigit 1,000 sa mga ito ang pansamantalang tumutuloy sa mga evacuation centers.
Sa huling anunsiyo ng PAGASA, bahagyang humina ang bagyo habang kumikilos pa – hilagang kanluran at inaasahang mag- la landfall ang bagyo sa Babuyan Island ngayong araw.