Mahigit 3,000 pamilya ang apektado ng granular lockdown ngunit hindi pa rin natatanggap ng mga ito ang ayuda mula sa pamahalaan.
Ayon kay Metropolitan Manila Development Authority Chairman Benhur Abalos Jr., hiniling na niya sa DSWD na ibigay ang lockdown assitance sa LGUs kung saan napagkasunduan na kalahating porsyento nito ay magmumula sa gobyerno.
Giit pa ni Abalos, hindi lamang sa mga naka-granular lockdown nagbibigay ang mga LGU at aniya ay limitado lamang ang kanilang resources. —sa panulat ni Hyacinth Ludivico