Aabot na sa 1,823 na pamilya o katumbas ng 6,568 na indibidwal ang apektado ng pag-aalburuto ng bulkang Taal sa 17 bayan sa lalawigan ng Batangas.
Batay sa datos ng National Disaster Risk Reduction and Management Council o NDRRMC mula kahapon, Marso a-30.
Ayon sa NDRRMC, mula sa nabanggit na bilang ay nasa 1,166 na pamilya o 4,039 indibidwal ang kasalukuyang nanunuluyan sa may 19 evacuation centers.
Bagaman walang naitala ang PHIVOLCS na mga bagong aktibidad sa bulkang Taal, pinapayuhan ng NDRRMC ang mga residente na gawin ang ibayong pag-iingat at sunding lagi ang mga abiso mula sa awtoridad. —ulat mula kay Jaymark Dagala (Patrol 9)