Halos 11,000 na o mahigit 40,000 indibidwal ang naitalang naapektuhan nang pag-aalburuto ng Bulkang Taal.
Ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), mahigit 9,000 pamilya ang nananatili sa mga evacuation center.
Karamihan sa mga apektadong pamilya ay mula sa mga munisipalidad ng Batangas na labis na naapektuhan ng ash fall tulad ng Alitagtag, Balayan, Bauan, Calaca, Calatagan, Lian, San Pascual, Sto. Tomas, Tuy at Batangas City.