Wala pa ring natatanggap na Foreign Government Assistance ang mga biktima ng Super Typhoon Lawin Tatlong araw matapos ang manalasa ang bagyo sa Northern Luzon.
Ito, ayon kay Romina Marasigan, spokesperson ng NDRRMC, ay dahil wala namang apela na foreign assistance ang national government.
Gayunman, nag-alok anya ng tulong ang ASEAN Coordinating Center for Humanitarian Assistance at Manila Offices ng World Health Organization at United Nations Children’s Fund.
Naka-antabay din ang relief supplies at aid workers ng Philippine Disaster Relief Foundation, Doctors Without Borders at World Vision.
Samantala, inihayag naman ni Cagayan Governor Manuel Mamba na bukas ang kanilang lalawigan sa anumang tulong ng foreign governments gaya ng Amerika at China.
Kabilang ang Cagayan maging ang karatig lalawigan nitong Isabela sa pinaka-matinding hinagupit ng bagyo.
By: Drew Nacino