Makatatanggap ng tulong mula sa gobyerno ang mga Overseas Filipino Worker (OFW) na apektado ng travel ban sa Taiwan.
Ito ang tiniyak ni Labor Sec. Silvestre Bello III sa gitna ng kabi-kabilang apela na i-lift na ang nasabing ban.
Ayon kay Bello, makakatanggap ng financial assistance ang mga OFW na aktibong miyembro ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA).
Mayroon din assistance sa accomodation at transportation na matatanggap ang mga OFW na patungo sanang Taiwan ngunit inabutan ng travel ban.