Tiniyak ng Malakaniyang na makakatanggap ng ayuda ang mga residenteng naapektuhan ang hanap buhay ng isang linggong pagpapatupad ng enhanced community quarantine (ECQ).
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, nakahanap na ang gobyerno ng mapagkukunan ng pera para pondohan ang assistance program.
Binigyang diin din ni Roque na 3 working days sa isang linggo ang halos na naapektuhan ng ECQ bilang ang Maundy Thursday at Good Friday ay non-working holidays.
Una rito, umapela si Vice President Leni Robredo sa pamahalaan na maagang mamahagi ng tulong sa mga residenteng naninirahan sa lugar na sakop ng ECQ.