Inatasan ng CHED o Commission on Higher Education ang lahat ng mga pampubliko o pribadong kolehiyo at unibersidad na tanggapin ang mga estudyanteng mula sa Marawi City kahit kulang sa requirements.
Ayon kay CHED Commissioner Prospero de Vera, maglalabas ng abiso ang kanilang tanggapan ngayong linggo para abisuhan ang lahat ng mga educational institutions sa bansa.
Maraming mag-aaral aniya mula elementarya hanggang kolehiyo ang naaapektuhan ng krisis sa Marawi City dahil sinunog na ng mga terorista ang mga paaralan at kolehiyo sa lungsod.
Babala pa ni De Vera, kanilng sisitahin ang mga hindi susunod sa direktibang ito ng CHED at umaasa silang makababalik na rin ang mga apektadong mag-aaral sa sandaling maisaayos na ang sitwasyon duon.
By: Jaymark Dagala / Aileen Taliping