Tiwala ang NDRRMC na walang malaking pinsalang idinulot ang bagyong Crising sa mga dinaanang lugar sa Visayas at Mindanao.
Ito ayon kay NDRRMC Spokesperson Mark Timbal ay dahil nakapaghanda naman ang mga apektadong lugar sa pagdating ng nasabing bagyo partikular ang pagsasagawa ng preventive evacuation para sa kaligtasan ng mga residente.
Bahagi rin aniya ng preparasyon sa bagyong Crising ay may kinalaman sa pagsunod sa health and safety protocols para makaiwas sa COVID-19.
Agaran tayong nakapagpalabas ng mga tagubilin sa mga ating local governments and disaster managers para siguraduhin na yung mga areas na flood prone, lanslide prone, pati storm surge prone ay mamatyagang mabuti at kung kakailanganin ay makapagsagawa na ng pre-emptive evacuation. Kasama sa mga paalala na ibinigay sa ating kasamahan dyan sa area is to ensure, kung magkakaroon tayo ng area of movement ng mga tao dapat masigurado natin na ligtas pa rin sila sa COVID-19, yung ating mga preparations kasi ngayon kasama na ‘yan. Advance ang ating paghahanda when it comes to the preparetion of evacuation centers pati na rin yung mga relief items na magagamit ng mga kababayan natin”, ani Timbal.