Nakatakdang sumalang sa public interview ng JBC o Judicial and Bar Council sa Mayo 24 ang sampung (10) indibidwal na nagsumite ng aplikasyon para sa posisyon ng special prosecutor ng Office of the Ombudsman.
Sa listahan ng JBC, kasama sa mga aspirante sina dating Sandiganbayan Presiding Edilberto Sandoval; Makati City Regional Trial Court Judge Benjamin Pozon; Acting Ombudsman Special Prosecutor Omar Sagadal; Mandaue Regional Trial Court Judge Ferdinand Rafanan; at Polytechnic University of the Philippines Law Professor Arnold Bayobay.
Aplikante rin para sa posisyon sina: dating Ombudsman Mindanao Lawyer Eusebio Avila, dating Ombudsman Prosecution Bureau Director Diosdado Calonge, at mga abugado na sina Francisco Alan Molina, Raymundo Julio Olaguer, at Vernand Quijano.
Ang mapipiling aplikante ni Pangulong Duterte mula sa shortlist na isusumite ng JBC ay magsisilbi sa pwesto sa loob ng pitong (7) taon.
Samantalang papalitan naman nito si Special Prosecutor Wendell Barreras-Sulit na nagretiro noong Marso 11.
By Meann Tanbio | With Report from Bert Mozo