May karapatan umanong tumanggi ang mga employer sa isang aplikanteng hindi pa bakunado kontra COVID-19, ayon kay Pangulong Rodrigo Duterte.
Ito’y sa gitna ng usapin hinggil sa pagbibigay ng disinsentibo sa mga hindi pa nababakunahan sa kabila ng pagdami ng suplay ng COVID-19 vaccine sa bansa.
Sa Talk to the People, sinabi ng pangulo na magkakaroon lang ng paglabag ang isang employer kung tatanggalin nito sa trabaho ang kaniyang kasalukuyang empleyado dahil lamang hindi pa nagpapabakuna.
Ngunit legal naman aniya kung tatanggihan ng kumpanya ang isang aplikante na hindi pa bakunado dahil maaari umanong makahawa pa ito sa ibang empleyado. —sa ulat ni Jenny Valencia Burgos (Patrol 29), sa panulat ni Hya Ludivico