Muling bubuksan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board ang mga aplikasyon para sa mga ride-sharing vehicle sa Pebrero 5.
Ito, ayon kay L.T.F.R.B. Technical Division Chief Joel Bolano, ay upang mapunan ang 45,000 slots.
Sa ngayon anya ay 12,000 lamang mula sa 45,000 libong slots ang napunan ng mga existing franchise holder maging ng mga mayroong pending application.
Kabilang sa mga requirement ay Filipino ang dapat na nagmamay-ari ng ride-sharing vehicle at hindi hihigit sa tatlong taon ang sasakyan.
Ang accreditation mula sa L.T.F.R.B. ay magiging requirement bago payagan ang mga driver na makapasok sa mga Transport Network Company tulad ng Uber o Grab.