Binatikos ng mga nalalabing ka-anak ng Pambansang Bayaning si Gat Jose Rizal ang tinaguriang Pambansang photobomber na Torre De Manila.
Ayon sa Filipino – Australian na apo sa tuhod ni Rizal na si Isaac Reyes, hindi aniya kaaya-ayang tingnan ang bantayog ng kaniyang lolo sa sarili nitong bansa.
Patunay lamang aniya nito na hindi iginagalang ng kaniya mismong kababayan ang pambansang bayani dahil wala naman aniyang photobomber ang bantayog ng kaniyang ninuno sa ibayong dagat.
Dahil dito, babalik ngayong araw si Reyes sa Luneta upang iprotesta ang ginawang pagtatayo ng Torre de Manila at inaanyayahan niya ang lahat na makilahok sa kaniyang adbokasiya.
By: Jaymark Dagala