Nais ipakumpiska ni Bayan Muna Party-list Representative Carlos Isagani Zarate ang mga ari-arian ng apat na matataas na opisyal ng Social Security System o SSS.
Ito’y matapos sampahan ng kasong administratibo ni SSS Commissioner Jose Gabriel La Viña ang apat na opisyal na sina SSS Executive Vice President for Investments Sector Rizaldy Capulong, Vice President for Capital Markets Division Reginald Candelaria, Equities Product Development Head Ernesto Francisco Jr., at Senior Vice President and Chief Actuary George Ongkeko Jr.
Ayon kay La Viña ginamit ng apat ang kanilang impluwensya upang makakuha ng impormasyon sa posibleng kumitang stock investment at kanila itong binibili sa halip na i-endorso sa SSS.
Giit naman ni Zarate hindi sapat na kasuhan lamang ang apat na opisyal na kahiya-hiya ang ginawa na silang nagtutulak pa na itaas ang sinisingil na kontribusyon sa mga miyembro.
Ayon pa sa kongresista dapat na maimbestigahan sa pagbubukas ng sesyon sa Kamara ang diumanoy maanomalyang gawain ng mga nabanggit na opisyal ng SSS.
—-