Ise-sequester ng gobyerno ang lahat ng ari-arian sa bansa ng Chinese businessman na si Jack Lam.
Sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na ipag-uutos na niya ang pagbawi sa lahat ng properties ni Lam dahil sa pandaraya sa buwis.
Ang tagal aniyang nagpasasa si Lam sa permit na nakuha nito noong panahon pa ng Cory Administration , at isang porsiyento lang ang binabayarang buwis kumpara sa iba na 10 porsiyento.
Sinabi ng Pangulo na naiinis ito dahil kung magsalita ang negosyante ay para bang lahat ng opisyal ay nasa bulsa nito .
Suwerte lamang aniya ni Lam dahil nakasibat ito palabas ng bansa pero hindi pa rin lusot dahil ipinag-utos na niya sa National Bureau of Investigation na arestuhin ito.
By: Aileen Taliping