Kakamkamin o ise-sequester ng pamahalaan ang mga ari-arian ng Chinese gambling tycoon na si Jack Lam.
Ayon sa Pangulo, ito ay dahil sa mga pandarayang ginawa ni Lam.
Giniit ng Pangulo, malaking buwis ang nawala sa pamahalaan dahil sa ang permit pang ginagamit ni lam sa operasyon nito ay inisyu nuon pang panahon ni dating Pangulong Corazon Aquino.
Ito ay kung saan aniya ay isang porsyento lamang ang binabayad na buwis ng kumpanya ni Lam habang ang iba ay nagbabayad ng Sampung porsyentong buwis.
Sinabi ng Pangulo na nagpahayag na si Lam ng pagnanais nitong bumalik sa bansa.
Matatandaang inakusahan ng pamahalaan ng bribery at economic sabotage si Lam hinggil sa umanoy tangka nitong panunuhol kay Justice Secretary Vitaliano Aguirre matapos maaresto ang may 1300 Chinese nationals na ilegal na nagtatrabaho sa Fontana Leisure Parks and Casino sa Pampanga.
By: Ralph Obina