Ipinaaaresto ni PNP Chief Ronald Dela Rosa ang mga barangay tanod na iligal na nagbibitbit ng baril.
Kasunod ito ng madugong shootout sa Mandaluyong City kung saan nagpaputok ng baril ang mga barangay tanod na rumesponde sa isang shooting incident.
Ayon kay Dela Rosa, walang karapatang magbibit ng baril ang mga barangay tanod, batuta lang anya dapat ang hawak ng mga ito.
Ligtas naman sa pagkakaaresto ang mga tanod na may dalang permit to carry firearms outside of residence. Pero kahit may permit hindi pa rin anya dapat dalhin ang baril sa pagroronda.
Sa isa namang text message sinabi ni DILG officer in charge Undersecretary Catalino Cuy na bawal talaga magbitbit ng baril ang mga barangay tanod.
PNP chief Dela Rosa: Itong mga tanod, they are not authorized to carry guns. Kayong mga pulis, hulihin niyo lahat ng tanod na armadong iligal.
— DWIZ Newscenter (@dwiz882) January 2, 2018
PNP chief Dela Rosa: Batuta lang ang dapat na hawak ng mga tanod
— DWIZ Newscenter (@dwiz882) January 2, 2018