Nasamsam ng mga otoridad ang ilang mga iligal na armas at bala sa pitong armadong lalaki sa Sitio Super, Barangay Curahab, Lanao del Sur.
Nakumpiska ang mga armas, bala ng baril at ilang mga pampasabog sa tulong ng pinagsanib puwesa ng 1st Marine Brigade, Malabang Municipal Police Station at 2nd Provincial Mobile Force Company.
Ayon kay Western Mindanao Command Maj. Gen. Alfredo Rosario, Jr., nagsagawa ang kanilang mga tauhan ng joint operation kasunod ng nangyari panghaharass sa Barangay Bunkhouse sa malabang sa nabanggit na lugar.
Kinilala ang mga pitong armadong lalaki na sina:
- Alican Sarip, 42-anyos
- Tataw Sarip, 34-anyos
- Taop Rauf, 19-anyos
- Jojo Marohom, 28-anyos
- Naim Abdul, 33-anyos
- Ryan Sarip, 18-anyos at
- Faisal Dima, 31-anyos na pawang mga myembro ng pakong Baladeg.
Sa ngayon, inaalam pa ng mga otoridad kung may mga kasabwat pa ang mga nahuli matapos ang insidente. — Sa panulat ni Angelica Doctolero