Malaking tulong umano ang mga armas na ibinigay ng Amerika sa mga tropa ng Pilipinas upang labanan ang mga terorista lalo na sa Mindanao.
Ito’y makaraang ipakita sa isang ulat ang paggamit ng MK43 o 60 caliber light machine gun ng mga miyembro ng Special Operations Group na siyang itinuturing na elite force ng Philippine Marines.
Sinasabing bahagi ang mga naturang armas mula sa Amerika ng section 1206 ng United States Assistance on anti-terrorism, isang assistance package na nagkakahalaga ng 12 Milyong Dolyar.
Napag-alamang naipamahagi na ang mga nasabing armas sa Marine Special Operations Group bago pa man ang krisis sa Marawi at nagagamit na nila ngayon sa pakikipagsabayan sa mga miyembro ng Maute – Isis sa nasabing lungsod.
By: Jaymark Dagala
Mga armas mula sa Amerika malaking tulong sa mga sundalong Pinoy was last modified: July 21st, 2017 by DWIZ 882