Paghahatian ng mga pulis at mga sundalo ang mga baril na binigay ng bansang China sa Pilipinas.
Ito ang nilinaw ni Pangulong Rodrigo Duterte matapos na opisyal na i-turn over ng Chinese government ang kanilang mga donasyong baril at bala.
Ayon kay Pangulong Duterte, sa kanyang pangalawang pagbisita sa China, kanyang hiniling ang mga nasabing armas kay Chinese President Xi Jin Ping upang magamit kontra terorisma.
Aniya, dadaan muna sa inventory ng DND o Department of National Defense ang mga donasyong baril at bala bago paghatian ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP).
Giit din ng Pangulo na grant o libre ang mga naturang armas.
By Krista De Dios | With Report from Aileen Taliping