Binalaan ng Philippine National Police o PNP ang mga celebrities laban sa pagsasapubliko ng kanilang mga “self-serving” drug test results.
Ito’y dahil hindi umano ito nangangahulugang abswelto na sila lalo na kung sila’y kasama sa drug watchlist ng PNP.
Giit ni NCRPO Director Chief Supt. Oscar Albayalde, dapat ‘credible’ ang proseso ng drug test upang matiyak na hindi lamang ito ginawa para sa interes ng mga celebrities.
Ginawa ni Albayalde ang pahayag matapos ang sunod-sunod na pagsasapubliko ng ilang mga sikat na artista ng kanilang negative drug test results.
Sa kasalukuyan, sinasabing umaabot sa 54 hanggang 57 ang mga “narco-celebrities” na nasa listahan ni Albayalde.
By Jelbert Perdez