Ipinagmalaki ngayon ni Tourism Secretary Bernadette Romulo – Puyat na maraming malalaking bituin ang handang makipagtulungan nang libre sa kanilang bagong tourism campaign.
Ayon kay Puyat, kabilang sa mga ito sina Aga Muhlach, Sharon Cuneta, Rico Blanco, Apl De Ap at marami pang iba.
Samantala, nilinaw ni Puyat na kasama pa rin sa mga programa ng DOT ang chef blogger na si Erwan Heusaff na naging katuwang sa pinatigil na kontrobersyal Buhay Carinderia Project sa ilalim ng Tourism Promotions Board.
Ikinatuwa ng kalihim ang intensyon ni Heusaff na ibalik ang mahigit isang milyong talent fee na nakuha nito sa Carideria Project.
Matatandaang ipinatigil ni Puyat ang naturang proyekto ni dating TPB Chief Cesar Montano matapos matuklasan ang pagpapalabas ng pondo na nagkakahalaga ng 80 Milyong Piso.