Mga artista, scientists, writers at iba pa.
Ang mga ito ang itatampok ng Philippines Postal Corporation (PHLPost) sa kanilang mga stamps bilang pagpupugay na rin sa ibinibigay na karangalan at pagpapamalas ng husay at talento sa iba’t ibang larangan.
Ayon kay Postmaster General Norman Fulgencio, pinoproseso na nila ang mga isasama sa bagong stamps at iaanunsyo nila sa mga susunod na buwan ang listahan ng mga nasabing Pinoy na magiging mukha ng bagong PHLPost stamps.
Sa mga nakalipas na taon, nabigyan ng sariling stamp na buhay na Pilipino ay mga pangulo ng bansa tuwing inauguration nila at pagkapanalo sa Miss Universe nina Pia Wurtzbach at Catriona Gray.
Binigyang diin ni Fulgencio na nais nilang ma-inspire ang mga Pilipino sa buhay ng kanilang mga iniidolo at mahimok pa ang mga kabataan na tangkilikin ang Philippine stamps.