Sanib puwersa na ang mga bansa sa South East Asia para makabuo ng coherent at holistic approach kontra coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Ayon sa datos ng World Health Organization (WHO), anim na miyembro ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) na kinabibilangan ng Cambodia, Malaysia, Pilipinas, Singapore, Thailand, at Vietnam ang nakapagtala na ng mahigit 100 kumpirmadong kaso ng COVID-19.
Binigyang diin ng ASEAN ang kahalagahan na magkaruon nang pinaigting na ugnayan at standardize measures para matiyak ang wastong health inspections sa mga border at entry points ng ASEAN member states.
Inaatasan din ang health sector ng ASEAN na magkaruon ng close networking sa sectoral bodies tulad ng sa consular, immigration, at transportation para matiyak ang isang coherent at holistic approach ng ASEAN community laban sa COVID-19.
Nangako ang ASEAN na gagawing high priority ang pagtugon sa nasabing outbreak.
Kasabay nito, nagpaabot naman ng suporta ang ASEAN sa China kung saan nagmula ang naturang virus.