Binigyan na lamang hanggang ngayong araw, Abril 30 ni Justice Secretary Menardo Guevarra ang lahat ng undersecretaries at assistant secretaries na itinalaga ni dating Justice Secretary Vitaliano Aguirre para magsumite ng kanilang resignation kay Pangulong Rodrigo Duterte.
Ito ay para bigyang kalayaan ang bagong kalihim na mamili ng kanyang makaka-trabaho sa kagawaran.
Hindi naman kasama sa pinaghahain ng resignation ang mga career officials.
Sa sandaling makapaghain ang mga opisyal ng kanilang resignation ay mananatili sila sa puwesto hangga’t wala pang kaukulang aksyon dito si Pangulong Duterte.
Sa record ng DOJ, mayroong limang undersecretaries at anim na assistant secretaries na itinalaga si dating Justice Secretary Aguirre kabilang na sina sina Undersecretaries Erickson Balmes; Raymund Mecate; Reynante Orceo; Deo Marco at Antonio Kho Jr.