Maaayos nang naitapon ng Bureau of Customs (BOC) at Bureau of Animal Industry (BAI) ang mga kargamentong naglalaman ng mga produktong pagkain na natuklasang positibo sa african swine fever (ASF).
Kabilang anila rito ang ilang dumplings, pork chicken balls at roast chicken wings na dumating sa Manila International Container Port mula China nitong Disyembre 11 ng nakaraang taon.
Ayon sa BOC, na-disposed na sa pamamagitan ng thermolysis o thermal decomposition ang mga nabanggit na food items sa integrated waste management facility sa Trece Martires.
Una na rin anila itong na-disinfect ng BAI bago ibiniyahe patungong Cavite para sa maayos na pagtatapunan nito.
Magugunitang, nitong Enero 24 lamang nang samsamin ng mga operatiba ng BOC ang kargamento matapos isailalim ng veterinary quarantine service sa test ang sample ng pork-celery dumpling at magpositibo ito sa ASF.