Tuwing February 14 o Araw ng mga Puso, marami sa atin ang naglalaan ng oras upang makasama ang ating pinakamamahal.
Ngunit sa Lima, Peru, iginugugol ng ilang fur parents ang kanilang Valentine’s Day sa pag-aasikaso sa kanilang mga alaga na ikakasal sa araw na iyon.
Naging tradisyon na kasi sa nasabing lugar ang pag-oorganisa ng mass weddings para sa mga aso.
Kaugalian na sa Peru ang kasalang bayan, partikular na tuwing Araw ng mga Puso. Ito ang naging inspirasyon ng mass dog weddings na nagbigay ng kakaibang twist sa naturang tradisyon.
Katulad ng kasal ng tao, naka-tuxedo at bow tie ang ilang groom na aso, habang naka-wedding dress naman ang bride nila. Ang iba naman, sinusuotan ng makukulay na damit.
At katulad ng kasal ng tao, makakakuha rin ng marriage certificate ang mga aso na tinatakan nila gamit ang kanilang paws.
Ayon sa organizer ng mass dog wedding, layon ng ganitong event na magbigay ng awareness sa pagiging responsible pet owners.
Espesyal din ang event na ito dahil ipinagdiriwang dito ang araw ng pagmamahalan at pagkakaibigan.