Makakatanggap ng cash benefits ang mga Pilipinong atleta na mag uuwi ng medalya mula sa 31st Southeast Asian Games o Sea Games sa Hanoi, Vietnam.
Ayon kay Senator Sonny Angara, Author ng Sponsor Republic Act 10699 o ang National Athletes and Coaches Benefits and Incentives Act., ang mga Pinoy athletes na mag uuwi ng gintong medalya ay makakatanggap ng P300, 000.
Makakatanggap naman ng P150, 000 ang mga silver medalist habang P60, 000 naman para sa mga bronze medalist.
Bukod pa diyan, tatanggap din ng 25% cash benefits ang bawat miyembro ng team na mananalo sa kada event na kanilang sasalihan habang 50% naman para sa mga coach.