Makakabalik ensayo na ang mga Filipinong atleta na lalaban para sa Tokyo Olympics sa susunod na taon.
Ito ang inanunsyo ni Presidential Spokesperson Harry Roque matapos aniyang aprubahan ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) ang hiling ng Philippine Olympic Committee.
Ayon kay Roque, maaari nang mag-training muli ang mga atleta sa isang bubble-type setup.
Kinakailangan lamang aniyang makipag-ugnayan ng mga ito sa regional task force at local government unit na nakakasakop sa lugar kung saan gagawin ang training.
Magugunitang, kinansela ngayong 2020 at inilipat sa Hulyo ng susunod na taon ang 32nd Summer Olympics dahil sa COVID-19 pandemic.