Handa ng sumabak sa 29th Southeast Asian (SEA) Games ang mga atletang Pilipino partikular ang national billiards at volleyball team.
Kabilang sa mga lalahok ang World Billiard Games gold medalist na si Carlo Biado na kauuwi lamang ng Pilipinas mula sa naturang event sa Poland.
Tatangkain ni Biado na muling sumungkit ng ginto sa SEA Games kasama ang 18-anyos na si Cheska Centeno na sumabak din sa world games.
Samantala, dumating na mula Japan ang national women’s volleyball team na sumailalim sa 17 araw na pagsasanay sa Osaka.
Inihayag naman ni Coach Francis Vicente na naging maganda ang resulta ng training.
Bago sumabak sa SEA Games sa Agosto 19, maglalaro ang national volleyball team sa Asian Seniors Championships sa Laguna ang susunod na kompetisyong sasalihan ng koponan kung saan una nilang makakalaban ang hongkong sa Agosto 9.
By Drew Nacino