Kinakabahan man pero excited ang mga atletang Pinoy na sasabak sa Tokyo Paralympics.
Sinabi ni wheelchair Racer Jerrold Mangliwan na siyang magdadala ng ating bandila sa torneyo feeling blessed siya at nakahanda na na maging kinatawan ng ating bansa.
Sa kabila naman ng kanyang edad, hindi makapanilawa si Discus Thrower Jeannette Acevada dahil nakapasok siya sa palaro.
Malaking tulong naman aniya para sa para kay swimmer athlete Ernie Gawilan ang karagdagang cash allowance kaya puspusan ang ginagawa nilang pag-eensayo.
Sa tala, dalawang bronze medal pa lang ang nakukuha ng bansa sa paglahok ng Paralympics simula noong 1988 sa bansang Korea.—sa panulat ni Rex Espiritu