Nasa huling bugso na ng kanilang training ang mga atletang Pinoy bilang paghahanda sa pagsabak ng mga ito sa nalalapit na South East Asian Games na gaganapin sa Singapore sa Hunyo.
Ayon kay Olympic Committee Chief of Mission Julian Camacho, puspusan ang ginagawang pagsasanay ng ating mga atleta para makakuha ng maraming gintong medalya.
Sinabi ni Camacho na target ngayon ng Pilipinas na mahigitan ang kanilang record noong 2007 kung saan pumang-anim ang Pilipinas sa SEA Games, ang pinakamataas na nakuhang overall ranking ng Pilipinas sa SEA Games.
Dahil dito dapat malagpasan ng mga Pinoy athletes ang 41 gintong medalya na nakuha ng Pilipinas noong 2007 SEA Games.
By Ralph Obina