Maaari nang humawak ng manibela at makapagmaneho ng kanilang mga sasakyan ang mga babae sa Saudi Arabia.
Ito’y makaraang maglabas ng kautusan ang Saudi government na nag-aapruba sa pagbuo ng isang komite para ipatupad ang nasabing batas.
Ayon sa Saudi Foreign Ministry, target nilang magkaroon ng reporma sa larangan ng ekonomiya pagsapit ng 2030 at kabilang dito ang pagsasama sa mga babae sa kanilang work force.
Magugunitang inilabas ang naturang kautusan mula nang maupo ang 32-anyos na crown prince na si Mohammed Bin Salman.
—-