Nanawagan ang grupong Gabriela na tulungan at bigyang proteksyon ang mga babaeng manggagawa partikular na ang mga nasa BPO o Business Process Outsourcing na mas kilala bilang call center.
Ito’y kasunod ng inilunsad na kampaniya ng grupo na kumukondena sa pagpatay kay Eleonor Gonzales makaraang mabiktima ng holdap.
Naglalakad lamang si Gonzales sa ibabaw ng Makati-Mandaluyong bridge habang papasok sa trabaho noong madaling araw ng Pebrero 3 kung saan, maliban sa hinoldap ay binaril pa ito ng mga suspek.
Nakiisa naman ang mga call center agent sa ginawang hakbang ng Gabriela na may temang #Women Strike 1 Billion Rising.
By Jaymark Dagala