HEALTH
Alam nyo ba na maraming babae na hindi kaguwapuhan ang mga mister ang mas masaya?
Batay ito sa pag-aaral ng Florida State University sa may 113 bagong kasal.
Lumalabas na ang mga babaeng mayroong gwapong mister ay may mataas na insecurity tendencies.
Pressured ang mga misis na ito na laging magpapayat upang mapasaya ang kanilang mga gwapong asawa.
Samantalang ang mga misis naman na hindi kagwapuhan ang asawa ay walang pressure na nararamdaman at hindi napipilitang mag-diet.
Dahil dito, nagreresulta ito ng mataas na satisfactory relationship levels.
Bagamat kagulat-gulat ang resulta ng pag-aaral, sinabi ng mga eksperto na wala namang dapat ikabahala ang mga babaeng may mga guwapong mister.
By Ralph Obina