(HEALTH)
Alam niyo ba na may benepisyo ang paggising ng maaga???
Ayon sa pag-aaral ng University of Colorado at Boulder and Bringham and Women’s Hospital, lumalabas na ang mga babaeng itinuturing na mga “early risers” o maagang gumigising ay mas mababa ang tiyansang tamaan ng mental illness gaya ng depresyon.
Paliwanag ng mga eksperto, ito ay dahil sa mas mataas ang exposure ng mga kababaihang ito kumpara sa mga tanghali na kung gumising.
Sinasabing malaking bilang sa mga sinuring mayroong depresyon ang natuklasang mga kababaihang nasa night owl category o mas gising tuwing gabi habang tulog naman tuwing araw.
Gayunman, iginiit ng mga eksperto na marami pang factors para malagay sa panganib ng pagkakaroon ng depresyon ang isang tao kabilang pamumuhay nang mag-isa, pagiging single at marami pang iba.
—-