Bibigyang prayoridad ng Land Transportation Office ang mga babae sa mga ipinatutupad na libreng theoretical driving course seminars ngayong buwan.
Kasunod ito ng utos ni LTO Chief Assistant Secretary Atty. Vigor Mendoza sa lahat ng regional directors at district office heads alinsunod sa direktiba ni Transportation Sec. Jaime Bautista na bumuo ng mga programa upang bigyang pagkilala ang mga kababaihan ngayong National Women’s Month.
Bahagi ng outreach program ng lto ang libreng TDC upang sanayin ang mga motorista sa road safety.
Sa ilalim ng nasabing programa hindi na kailangan pang magbayad para sa TDC ang mga aplikante ng driver’s license na nagkakahalaga ng P 1,000 o higit pa sa mga driving school. – sa panunulat ni Raiza Dadia