Sinimulan na ng ilang Local Government Units (LGUs) ang pagbabahay-bahay para sunduin at dalhin sa mga barangay ang mga babakunahan laban sa COVID-19 ayon sa League of Provinces of the Philippines.
Sinabi ni LPP president at Marinduque governor Presbitero Velasco Jr. na ginagawa nila ito upang mas mapalawak nila ang rollout ng COVID-19 vaccination.
Matatandaang inatasan ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang mga LGU na palakasin ang kampanya ukol sa pagbabakuna upang maabot ang target na 70% ng kabuuang populasyon na fully vaccinated ngayon taon.—mula sa panulat ni Airiam Sancho