Iginiit ng Department of Agriculture (DA) na maliit na porsyento pa lamang ng mga baboy sa bansa ang dumaan sa culling dahil sa African Swine Fever (ASF).
Ayon kay Agriculture Assistant Secretary Noel Reyes, maliit lamang ang porsyento ng mga baboy na kanilang pinatay sa mga ASF affected areas.
Itong na-cull natin ibig sabihin na pinatay na baboy dito sa Luzon lang, sa mga affected areas. Napakaliit, wala pang isang porsyento, 0.4% ; 50,000 plus palang ang kinatay eh, kasi dun 1/3 ang talagang may ASF, yung 2/3 wala, nagkataon lang na nandun sila within 1 km radius,” ani Reyes.
Dagdag pa ni Reyes, maliit pa ito kumpara sa mga naapektuhang baboy sa ibang bansa katulad ng Vietnam at China.
Inamin naman ni Reyes na sobrang naapektuhan na ang industriya ng hog raising at meat processing dahil sa ASF.
So maliit po yan, compared sa ibang bansa, na karatig bansa natin, sa Vietnam lang limang milyon ang nakatay na baboy dahil sa ASF. Sa China naman 2.5 million, again napakaliit, kaya lang po naapektuhan na mismo ang industriya ng pagbababuyan pati meat processing,” ani Reyes. — sa panayam ng Ratsada Balita.