Isolated na at papatayin o isinailalim na sa culling ang mga baboy na nasasakop ng 1-kilometer area.
Ito, ayon kay Rosendo So, pangulo ng Samahang Industriya ng Agrikultura (SINAG) ang ginawa ng Department of Agriculture bilang pagsunod sa protocol sa mga alagang baboy.
Do’n sa area ng ground zero, na-isolate naman yung sa 1-kilometer area. Yun ang protocol na ginawa ng Department of Agriculture,” ani So.
Ipinabatid pa sa DWIZ ni So na walang ibang lugar na mayroong insidente ng mga nagkakasakit na baboy maliban lamang sa ilang barangay sa bayan ng Rodriguez sa lalawigan ng Rizal.
Walang other province except yung, etong sa Rizal. Yung mga ibang probinsya wala namang insidente na nangyayari, so far, wala tayong news and insidente na natanggap,” dagdag pa ni So.
Balitang Todong Lakas Interview