Umaabot na sa 20,000 baboy ang pinatay o sumailalim sa culling.
Ipinabatid ito ni Agriculture secretary William Dar na nagsabi ring ilang baboy ay hindi infected subalit bilang protocol at security measure ay pinatay ang mga ito na nasa isang kilometro ng lugar kung saan may namatay dahil sa virus.
Ayon pa kay Dar, karamihan sa mga pinatay na baboy ay mula sa Bulacan habang ang iba ay mula sa Pangasinan at Pampanga.
Bilang pag-ingat, sinabi ni Dar na kailangang i report ng magba baboy na nasa loob ng 10 kilometer radius kung saan may kumpirmadong kaso ng ASF kung may sakit ang kanilang mga baboy.
Kinumpirma naman ni Dar na 30 baboy mula sa Bulacan ang nasabat sa Pangasinan at lumalabas sa pagsusuri na kalahati sa mga ito ay positibo sa ASF.
Dahil dito, kaagad pinatay ang mga baboy na nasa truck na galing sa Bulacan gayundin ang 1,000 na nasa isang kilometrong radius.
Una na ring pinatay ang 300,000 baboy sa Barangay Pasong Tamo sa Quezon City matapos kusang loob na lumapit sa Barangay captain ang isang hog raiser at ini-report ang pananamlay ng kaniyang mga alagang baboy.